Isang Ginang sa Santiago City, Inaresto ng mga otoridad!

Jones, Isabela – Hinuli ng mga otoridad ang isang ginang matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas tres ng hapon sa Brgy. Mabini, Santiago City.

Ang naaresto ay kinilalang si Eva Lanuza Lorenzo, 47 taong gulang, developer at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Jones si Lorenzo sa pangunguna ni Police Chief Inspector Rex G. Pascua sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Genevieve D. Ande – Ewangan ng MTC Branch 1, Santiago City dahil sa kasong Estafa.


Nasa kustodiya na ng PNP Jones si Lorenzo para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng kaniyang piyansang P20,000.00

Facebook Comments