Isang Granada, natagpuan sa QC

44

Manila, Philippines -Palaisipan pa rin sa mga awtoridadkung sino ang nag-iwan ng isang granada na natagpuan sa garahe ng isang Condominiumsa Brgy. Pag-Asa Quezon City.
  Ayon sa imbestigasyon ng QCPD Station 2, mag-aalas siyeteng gabi kagabi nang matuklasan ang granadamg nakaparadang motorsiklo saBuilding 11-21 ng Bagong  LipunanPAGASA-Condominium.
  Napag-alaman na isang bata umano ang nakakita sa granadakaya agad na ipinagbigay alam sa may-ari ng motorsiklo si Moises  Mupia.
  Mabuti na lamang ay may isang residenteng pulis sa lugarna siyang sumuri at nagdala ng granada sa presintoN.
  Ayon naman sa Bomb Technician ng Explosive  Ordnance Division ng QCPD ,isang uri ng “Hand  Granade Frag  Model MK2” ang nadiskubreng granada sanaturang lugar.
  Mariing itinanggi ng nagmamay-ari ng motorsiklo na sakanya ang natagpuang granada dahil hindi naman umano siya gumagamit nito.
  Tinitingnan na rin ng pulisya kung mayroong CCTV camerasa lugar para malaman kung sino ang nag-iwan ng granada at malaman na rin angmotibo nito.
   

Facebook Comments