Naghain ng Motion for Reconsideration ang grupong Akbayan sa kanilang petisyon para ipa-diskwalipika si dating Senador Bongbong Marcos Jr. sa pagtakbo nito sa 2022 Elections.
Mismong ang namumuno sa nasabing grupo na si dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson na si Etta Rosales, ang personal na nagtungo sa Commission on Elections (COMELEC) para ihain ang naturang petisyon.
Bukod dito, nananawagan sila sa Comelec en banc na baligtarin ang naunang desisyon ng first division hinggil sa pagbabasura ng mga disqualifications cases ni Marcos Jr.
Nakikiusap rin sila na mag-inhibit si Commissioner Aimee Ferolino, sa deliberation upang huwag ng madagdagan ang duda ng publiko at huwag na rin tuluyang mawala ang tiwala sa proseso ng halalan sa bansa.
Kinukuwestyon rin nila kung bakit nakapaglanas ng resolusyon ang first division gayung dalawa lamang ang nakaupong commissioner sa halip na tatlo.
Sakaling hindi naman usad ang kanilang mosyon, handa ang nasabing grupo na dumulog sa Korte Suprema upang mapa-diskwalipika si Marcos Jr.