
Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang 37 taong gulang na lalaking suspek sa panggagahasa sa isang 11 taong gulang na biktima mula sa Barangay Kalunasan, Cebu City.
Ayon kay CIDG-National Capital Region Chief Colonel John Guiagui, dinala ng nasabing suspek ang biktima na napag-alaman na kapitbahay rin nito, sa isang madamong bahagi ng nasabing barangay noong Marso 7 at dito na ginawa ang nasabing panghahalay kapalit ng ₱200.
Pagkatapos ng insidente, ay nakiusap ang suspek sa kapwa nito habal-habal driver na ihatid ang biktima sa bahay nito para makaiwas sa checkpoint sa lugar.
Sumunod pa nito ay nagtungo ang nasabing suspek sa kaniyang ama kung saan siya ay tinulungan at binigyan ng pera para makatakas.
Ayon kay Guiagui, ang nasabing suspek ay naaresto habang pababa ng barko sa pantalan ng Maynila nitong Lunes, ika-9 ng Marso.
Samantala, kasalukuyang nasa ospital ang biktima na sumasailam ngayon sa treatment matapos makaranas ng bleeding.










