ISANG HIGH-VALUE INDIVIDUAL, TIMBOG SA BINMALEY; ₱408K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASAMSAM

Arestado ang isang hinihinalang high-value individual (HVI) matapos masamsam sa kaniya ang tinatayang 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱408,000 sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Binmaley, Pangasinan noong November 7, 2026.

Pinangunahan ng Binmaley Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Pangasinan Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU), ang operasyon na nagresulta rin sa pagkakarekober ng buy-bust money at iba pang ebidensya.

Ayon sa pulisya, isinagawa ang wastong pagmamarka at pag-iimbentaryo sa mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga sa presensya ng naarestong indibidwal at ng mga kinakailangang testigo, alinsunod sa itinakda ng batas.

Dinala naman sa kaukulang awtoridad ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at pagsasagawa ng karagdagang legal na proseso.

Muling nananawagan ang kapulisan sa publiko na makiisa sa kampanya kontra ilegal na droga sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag at agarang pagsumbong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya hinggil sa anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan dito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments