Nasawi ang isang lalaking miyembro ng Philippine Air Force o PAF matapos bumangga ang minamaneho nitong kotse sa isang pader sa kahabaan ng Barangay Caoayan-Kiling, San Carlos City bandang 2:30 AM noong November 5, 2026.
Kuha sa CCTV ng isang bahay sa nasabing barangay ang mabilis na takbo ng sasakyan ng biktima.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP San Carlos City, binabagtas ng biktima ang nasabing kalsada nang biglang mawalan ito ng kontrol sa manubela at bumangga sa isang pader.
Sa lakas ng impact, nawasak ang bahagi ng pader kung saan bumangga ang biktima, wasak din ang harapang bahagi ng sasakyan na minamaneho nito.
Dagdag ng PNP, nagtamo ng tama sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima, naitakbo pa umano ito sa ospital ngunit kalauna’y binawian ng buhay.
Samantala, nagpaalala naman ang PNP San Carlos City na panatilihin ang pag-iingat lalo na sa pagmamaneho sa mga kalsada upang maiwasan ang anumang uri ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








