Bagama’t nasa white alert status ang Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Council nagpapatuloy ang ahensya sa pagbabantay ng ahensya sa pagtaas ng lebel ng tubig sa kailugan ng lalawigan.
Sa panayaman ng iFM Dagupan, kay Patrick Aquino tagapagsalita ng PDRRMO, wala pang pagbahang nararanasan sa lalawigan ngunit binabantayan ang Marusay River sa bayan ng Calasiao na nagpapatuloy sa pagtaas ng lebel nito. Sa ngayon nasa 4. ft na ito at malapit na sa kritikal level na 7.1 ft.
Kasama din na binabantayan ang Sinocalan River sa Sta. Barbara Pangasinan.
Naka standby na ang PNP, BFP, Philippine Army, at ibat-ibang volunteer na katuwang ng PDRRRMO kung sakaling magkaroon ng pagbaha.
Paalala ng PDRRMO sa publiko na maging alerto ngayong panahon ng tag-ulan at kung magpapatupad ng pre-emptive evacuation ay huwag ng magmatigas pa.