Isang Ilokano ginawaran bilang National Living Treasure ng Malacañang

iFM News Laoag – Kinilala ng Malacañang ang isang Ilokano sa Ilocos Norte na mapabilang sa mga Manlilikha ng Bayan o national living treasure.

 

Nakilala ito na si Adelita Romualdo Bagcal, 77, residente ng Sitio Calao, Barangay 4 Marcos, Bayan ng Banna sa nasabing lalawigan.

 

Nakilala si Bagcal sa natatanging likha nang pag-awit ng lullaby o oyayi, dallot salitang Ilokano na isang awit ng pamamanhikan, at dung-aw o kaya’y Ilocano Classic Funeral song o awit sa mga yumaong tao.


 

Si Ginang Adelita Bagcal ang pangalawang ginawaran ng National Living Treasure sa Ilocos Norte – una nang ginawaran si Ginang Magdalena Gamayo sa larangan naman ng paglalabi ng Inabel o tradisyunal na telang Ilokano. ### Bernard Ver, RMN News

 

Facebook Comments