Isang ina at estudyante, nagpakamatay sa Cagayan de Oro

Isang ina at estudyante ang nagpakamatay sa magkahiwalay na insedente dito sa syudad ng Cagayan de Oro.
Ang ina ay nakilalang si Moneth Andog, 52 anyos na taga Palalan, Barangay Tablon. Inaalam pa ng kapulisan kung ano ang pinag-awayan ng biktima at mister nito kung kaya’t nagtampo at nagpakamatay si Andog sa pamamagitan ng pag-inom ng lason. Samantala, una nito isang 18 anyos na criminology student ang natagpuang nagbigti sa loob ng kaniyang inuupahang kwarto sa Barangay Lapasan dito sa syudad. Hindi na isinailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima dahil kumbinsido ang pamilyang nagpakamatay ito. By: RadyoMaN Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments