Isang ina sa Pennsylvania, naglaan ng $25,000 para sa anak na sasali sa prom

Manila, Philippines – Gumastos ng $25,000 o humigit kumulang na 1.2 milyong peso ang isang ina sa Philadelphia para sa prom ng kaniyang anak.

Nais sana ipadala ni Saudia Shuler ang kaniyang kaisa-isang anak na si Johnny Eden Jr. sa Dubai upang magbakasyon.

Pero sumali ang kaniyang anak sa promenade dance kaya naisip niyang dalhin na lang ang Dubai sa Philadelphia.


Naglaan si Shuler ng pera para sa kamelyo, tatlong toneladang buhangin at mamahaling sasakyan gaya ng rolls Royce at Lamborghini.

Ayon kay Shuler, gusto niyang ibigay sa kaniyang anak ang hindi nitong makakalimutang prom experience dahil siya ay may cancer at na-stroke.

DZXL558

Facebook Comments