Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, inakusahang gumagawa ng kuwento

Manila, Philippines – Inakusahang ni Alexander Wurtzbach na sinungaling ang kanyang half-sister na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos mapalabas ang istorya nito ng buhay nito sa telebisyon.

Base sa Facebook post ni Alexander, sinisira ng beauty queen ang pangalan ng kanilang ama na si Uwe Wurtzbach na isang German.

Sa lahat raw ng ayaw nito ay yung sinisiraan ang patay na.


Huwag din raw gamitin ni Pia ang apelyido ng yumaong ama kung babaero ito at kung wala siyang kwenta.

Una nang nagpahayag ng galit ang ina ni Alexander na si Robie Asingua dahil sa paglalarawan ni Pia sa kanyang yumaong ama.

Isiniwalat ni Asingua, na nagpakilalang live-in partner ni Uwe noong nabubuhay pa ito, na hindi totoo ang pagsasadula sa buhay ni Pia tulad na lamang ng paghingi ng pera ng kanyang ama noong nanalo ito bilang first runner-up.

DZXL558

Facebook Comments