Isang kakaibang Beer sa Denmark, na fully fermented gamit ang ihi ng tao

Denmark – Isang kakaibang beer ang ginawa ngayon ng isang craft brewery sa Copenhagen.

Ang nasabing beer na “pisner” ay nagawa sa pamamgitan ng ihi ng tao.

Pero, hindi ito hinahalo sa nasabing alak kung hindi ginagamit lang na fertilizer sa “Malting Barley,” ang pangunahing sangkap ng beer.


Naisip ito ng Beer Company matapos na magdesisyon silang gawing organic ang mga sangkap sa paglikha ng produkto sa halip na dumi ng hayop o abono na nabibili sa mga kompanya.

Nabatid pa na naipon nila ang nasa 50,000 litro ng ihi sa katatapos lang na Roskilde Music Festival na tinaguriang largest music festival sa Northern Europe.

Aabot naman sa 60,000 bottles ng limited edition ng pisner ang nakatakdang ibenta sa Denmark at kapag nag-click ito ay saka sila magbebenta sa ibang panig ng mundo.
DZXL558

Facebook Comments