Unti-unti nang nadaraanan ang mga kalsada at tulay na napinsala ng malakas na lindol sa Northern Luzon noong isang linggo.
Sa pinakahuling ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isang kalsada na lamang mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang nananatiling unpassable sa mga oras na ito.
Habang lahat naman ng tulay mula sa Region 1, Region 2 at CAR ay maaari nang daanan ng mga motorista.
Samantala, sa ngayon maaari na ring madaanan ang siyam na kalsada at apat na tulay sa Region 1, tatlong kalsada sa Region 2 at 150 kalsada at pitong tulay sa CAR na nitong mga nakalipas na araw ay unpassable dahil sa mga guho.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang clearing operation sa isang kalsada sa CAR para ito ay madaanan na sa lalong madaling panahon.