Bilang ng enrollees para sa SY 2022-2023, umabot na sa higit 11-M

63
Courtesy: DepEd Philippines Facebook page

Umabot na sa mahigit labing-isang milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nakapag-enrol para sa School Year 2022-2023.

Sa datos ng Department of Education (DepEd), as of August 1, nasa 11,663,325 na ang nakapagparehistro mula nang simulan ang enrollment noong July 25.

Pinakamaraming enrollees ay naitala sa Calabarzon na nasa 1,819,467; sinundan ng NCR, 1,531,374 at Central Luzon na nasa 1,178,813.


Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa August 22, 2022.

Facebook Comments