Umaapela si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa Supreme Court na agarang magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO para mapahinto ang Public Utility Vehicle Modernization Plan o PUVMP.
Panawagan ito ni Castro sa Kataas-taasaang Hukuman sa harap ng napipintong deadline bukas, April 30, ng franchise consolidation sa ilalim ng programa.
Diin ni Castro, kapag nagpatuloy ang PUVMP ay maraming jeepney drivers and operators ang mawawalan ng trabaho at kabuhayan at mababaon pa sila sa utang dahil sa pagbili ng modernong jeep.
Para kay Castro, ang PUVMP ay isang depektibong programa kung saan tanging makikinabang lang umano ay ang mga malalaking korporasyon at financial institutions.
Facebook Comments