Isang kongresista, umapela na huwag gamitin ang dasal sa political agenda

 

Umaapela ngayon si House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan sa lahat ng lider ng bansa at sa mamamayan na huwag gamitin ang pagdarasal upang itulak ang mga hangaring pampulitika.

Reaksyon ito ni Libanan matapos kumalat sa social media ang dasal ni Sen. Imee Marcos sa Jesus is Lord Worldwide Prayer and Vision Casting 2024 noong Sabado kung saan binanggit nito ang isyu ng pag-amyenda sa Konstitusyon.

Bilang isang ex-Catholic seminarian ay nababahala si Libanan na lumalampas na ngayon ang operational ethics of politics sa sagradong hangganan ng pananampalataya.


Bunsod nito ay ipinaalala din ni Libanan ang separation ng simbahan at estado at ang dapat na pagiging dalisay ng panalangin.

Hiling ni Libanan sa lahat, i-ayon ang aksyon, salita at dasal sa ikabubuti ng lahat sa ilalim ng gabay at pagpapala ng Panginoon.

Facebook Comments