VP Sara Duterte, magsisilbing caretaker ng bansa habang nasa Vietnam si PBBM

 

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Vice President Sara Duterte bilang caretaker ng bansa habang nasa state visit ito sa Vietnam.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil.

Ibig sabihin, si VP Sara muna ang mamamahala sa bansa hanggang sa oras na makabalik ang pangulo sa Pilipinas.


Ngayong hapon, ay nakatakdang bumiyahe si Pangulong Marcos Jr., para sa kaniyang unang state visit ngayong taon.

Inaasahan namang babalik ang pangulo sa bansa sa January 31.

Target ng Pilipinas at Vietnam na pataasin ang bilateral trade nito hanggang $10 billion sa mga susunod na taon.

Facebook Comments