PNP, nagdiriwang ng 33rd Founding Anniversary; pagiging tapat sa tungkulin dapat isapuso ayon kay Executive Sec. Bersamin

 

Kasabay nang pagdiriwang ng ika-33 Founding Anniversary ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw, hinikayat ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga pulis na maging tapat sa kanilang mga tungkulin.

 

Sa mensahe nito sa pambansang pulisya, sinabi ni Bersamin na dapat ay muling manumpa ang mga pulis sa kanilang commitment na pagsilbihan ang bansa.

 

Dapat ding panghawakan ng Philippine National Police (PNP) ang rule of law sa lahat ng pagkakataon at gampanang mabuti ang trabaho laban sa kriminalidad.


 

Ayon pa sa dating Punong Mahistrado, marapat lang na isuot ng mga pulis ang kanilang mga badge ng walang halong guilt at kanila itong magagawa kung hindi papairalin ang kanilang pangsariling interes.

 

Samantala, pinuri naman ni Bersamin si PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., sa pamumuno nito sa PNP at tinawag ang kanyang pamumuno na kahanga-hanga.

Facebook Comments