Isang konsehal at bodyguard, kritikal matapos tambangan sa Pasay City

Manila, Philippines – Tinambangan ng mga hindi nakikilalang lalaki ang isang konsehal bodyguard sa Pasay City.

Tinadtad ng bala ang kanang pintuan ang sasakyan ni Pasay Councilor Borby Salazar, presidente ng liga ng mga barangay sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon, pumasok sa isang ktv bar ang biktima para uminom.


Matapos ang apat na oras, lumabas ang konsehal kasama ang tatlong bodyguard.

Sumakay sa kanyang kotse si Salazar kasama ang isang bodyguard nang paulanan na sila ng bala ng dalawang armadong lalaki.

Narekober ang 30 basyo ng kalibre 38 at 45 baril sa pangyayari.

Ayon kay Pasay Assistant Chief of Police, Supt. Deanry Francisco – kritikal pa rin si Salazar matapos magtamo ng multiple gunshot wounds.

Naniniwala si Francisco – planado ang ambush at professional gun for hire ang gumawa ng krimen.

Nabatid na inaresto si Salazar noong 2015 sa kasong murder at nakalaya rin matapos ang isang taon dahil sa pagbasura ng korte sa kaso.

Facebook Comments