Finland – Isang kumpaniya ng beer ang nakaisip ngayon ng paraan para ma-satisfy at hindi mabitin ang kanilang mga customer na nag-a-avail ng kanilang produkto.
Nabatid kasi na naisipan ng Nokian Panimo Brewery na magbenta ng 1,000 pack ng Keisari beer na mabibili naman sa ilang supermarket kung saan siguradong hindi mabibitin ang mga iinom nito.
Sinasabing ginawa nila ang ganitong paraan para labanan ang karibal na kumpaniya na Karjala Brewers na nag-o-offer naman ng 100 packs ng beer.
Napag-alaman pa na lumalabas sa survey na karamihan sa mga manginginom ay nabibitin sa pagbili kaya naman ito na daw ang mabisang paraan para makuntento sila sa pag-inom ng alak.
Kada isang order naman ng massive case ng beer ay aabot sa $2,346.00 (P117,253.00)
DZXL558