Isang labor group, mas pabor na magkaroon ng comprehensive medical plan sa halip na ibalik sa MECQ ang ilang lugar sa bansa

Nanawagan ang militant labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) sa gobyerno na magpatupad na lamang ng mas comprehensive medical plan sa halip na ibalik ang Metro Manila at iba pang lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Elmer Labog, KMU Chairperson, bagama’t nakikiisa sila sa mga hinaing ng medical community, mas pabor sila na i-recalibrate ang comprehensive approach sa kampanya sa paglaban sa COVID-19.

Naglatag ng ilang mungkahi ang grupo upang higit na makaluwag-luwag ang medical health workers na nalulunod na sa dumaraming kaso ng COVID-19.


Kabilang sa mga rekomendasyon ng grupo ay ang pagpapatupad ng libre at mas episyenteng mass testing, contact tracing, at epektibong isolation at libreng pagpapagamot.

Iginiit din ng grupo na palitan ang composition ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Dapat aniyang palitan ang mga namumuno na ex-generals at italaga ang medical experts at scientists.

Facebook Comments