Isang lalake tinamaan ng kidlat, patay

Capiz, Philippines – Patay ang isang lalake matapos tamaan ng kidlat sa Sitio Badiangan Brgy. Baye-Baye, Jamindan, Capiz noong nakaraang araw.

Kinilala ang biktima na si Manuel Villeza Y Valguna, residente ng nasabing lugar.

Nag-aararo umano ang biktima habang umuulan nang tamaan ito ng napakalakas na kidlat.


Nasunog ang ilang bahagi ng katawan ng biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
DZXL558

Facebook Comments