Pamilya ng isa sa mga namatay na sundalo sa airstrike sa Marawi City, umaapela na maiuwi ang bangkay sa Capiz upang mabigyan ng disenteng burol at libing

Marawi City – Labis na kalungkutan ang dinaramdam ng mga kaanak ng namatay na sundalo na isang CapizeƱo sa napalpak na airstrike ng militar sa Marawi City.

Ayon kay Loreto Lago, ina ng namatay na si Sgt. Throlen Lago, huli na nang nalaman nito na ipinadala na pala ang kanyang anak sa Marawi Ciy, na sa kanyang pagkaka-alam ay nakadestino ito sa Lanao Del Norte.

Sinabi din ni Mrs. Lago na tanggap na ng kanilang pamilya ang sinapit ng anak, pero kinakailangan paring maimbestihagan kung anu ang naging dahilan ng insedente.


Sa impormasyon na nakarating sa pamilya Lago, hindi na raw makita ang ibang bahagi ng katawan ng namatay na sarhento at ulo na lamang umano ang na-recover ng militar.

Umaasa ang pamilya ni Sgt. Lago na maiuwi sa bayan ng Mambusao, Capiz ang natirang bahagi ng katawan nito upang mabigyan naman ng disenteng burol at libing.

Si Sgt. Lago ay nasa 17 taon na sa serbisyo at nakapag-asawa sa Calatrava, Negros Occidental kung saan doon din siya nakadestino noon at nagkaroon sila ng dalawang anak.

Si Sgt. Lago ay kasapi ng Alpha Company, 15th Infantry Battalion ng Philippine Army kung saan nagsasagawa ng clearing operation ang kanilang unit sa Marawi City nang tinamaan sila ng bomba mula sa sf-260 aircraft ng AFP na naging sanhi ng kanyang pagmatay at sampung kasamahan nito.
DZXL558

Facebook Comments