Isang lalaki sa Alaminos, Pangasinan – tinaguriang “cobra king” ng bansa

Pangasinan, Philippines – Isang lalaki sa Alaminos City ang tinatawag ngayong “cobra king” dahil sa kakayahan nitong mapa-amo ang makamandag na ahas.

Siguradong mapapahanga ka sa talento ng cobra king na si Val Pelera kung saan katulad ng mga normal na alagang hayop, pinapaliguan, pinapakain at kinakausap niya ang kanyang mga alaga.

Kasa-kasama din ni tatay val ang mga cobra na nakasukbit sa kaniyang leeg at ang lahat ng mga ito ay hindi niya inalisan ng kamandag.


Maging ang asawa nito na si ginang Lourdes ay nasanay na din sa kaniya kaya’t maging siya ay naaaliw na din sa pag-alalaga ng Philippine cobra.

Bukod dito, tinutulungan rin ni tatay Val ang kanyang mga kabarangay sa pamamagitan ng paghuli sa mga cobra na maaring makapanakit ng ibang tao at ang iba naman na natuklaw ng ahas ay kaniya din ginagamot at lahat ng mga ito ay kaniya din napagaling.
DZXL558

Facebook Comments