ISANG LIBONG NIPA SEEDLINGS ANG ITINANIM SA ISANG ILOG SA DAGUPAN CITY

Dagupan City, Pangasinan – Matagumpay na itinanim ang nasa isang libong piraso ng nipa seedlings sa isang tabing-ilog sa Lungsod ng Dagupan bilang pagsuporta at pagprotekta sa kalikasan.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ng mga kawani ng City Agriculture Office o CAO at ang grupong Bantay Ilog sa pagtatanim ng halamang nipa o ang mangrove palm bilang pagprotekta at pagsulong upang mapangalagaan ang tabing-ilog sa bahagi ng Brgy. Salisay sa Lungsod.

Napili ang halamang ito ng mga kinauukulan dahil pinaniniwalaang ito ay makakatulong upang mapigilan ang pagguho ng lupa, tagtuyot, sobra-sobrang dami ng asin at upang mapigilan din ang pagdami ng pesteng insekto.


Ayon kay City Administrator at City Agriculturist Vladimir Mata, ang proyektong ito ay upang protektahan ang Dagupan’s Bangus Industry sa pamamagitan ng pangangalaga ng ecosystem.
Pinondohan naman ang naturang proyekto ng grupong Tanggol Kalikasan, na isang non-governmental organization na may interest sa pangangalaga ng kalikasan sa Pilipinas.

Facebook Comments