Isang lider ng Udtuhan Drug Group at isang SK Chairman at BADAC member, arestado sa ilegal na droga sa Pasay City

82

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City Police Station ang isang lider ng Udtuhan Drug Group at isang SK Chairman at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) member pa makaraang magsagawa ng buy bust operation sa Pasay City Public Cemetery at No. 400 Sarhento Mariano St., Brgy. 189, Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Eleanor Odtuhan, 35-anyos, residente ng No. 400 Sarhento Mariano, Brgy. 189 Pasay City at nasa listahan ng Drug Watchlist at Leader of Odtuhan Drug Group at Archie Gabriel, 23-anyos, SK Chairman at member din ng BADAC kapwa residente sa naturang lugar.


Ayon kay Pasay City Police Station SDEU PSMS Jonathan Bayot, nagsagawa umano sila ng buy bust operation kasama ang mga elemento ng Station Intelligence Unit sa pangunguna ni Police Major Jerry Sunga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang 6 pirasong plastic transparent sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu,3 pirasong peke Php 1,000.00 at 1 pirasong coin purse at P500 buy bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments