Isang Lolo sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya, Arestado Matapos Manggahasa ng 5 Anyos na Bata!

*NUEVA VIZCAYA- *Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 8353 o Paglabag sa Anti-Rape Law of 1997 ang isang lolo makaraang halayin ang limang taong gulang na bata sa brgy. Bitnong, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Vicente Luis, animnapung taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, iniwan muna umano ng nanay sa kanyang biyenan ang biktima dahil mayroon umano itong mahalagang aasikasuhin at nang bumalik ang nanay ng batang biktima ay napansin umano nito na basa ang suot ng kanyang anak kaya’t pinaliguan niya ito.


Tinanong umano nito ang kanyang anak at sinabi naman ng biktima ang ginawang panghahalay ng suspek.

Ayon umano sa bata, pinaglaruan ng suspek ang maselang bahagi ng kanyang kawatan at hinalikan bago siya hinalay ng suspek.

Dahil dito ay agad na nagreport ang nanay ng biktima sa PNP Dupax Del Norte na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Hawak na ng kapulisan ang suspek na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments