Isang LPA na nasa labas ng PAR, binabantayan

Binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ito ay namataan 1,440 kilometers silangan ng Mindanao.

Posibileng pumasok ito ng PAR sa Linggo at mataas ang tiyansang maging tropical depression.


Inaasahang lalapit ito sa Bicol Region at Central Luzon sa mga susunod na linggo.

Ngayong araw, mainit at maalinsangang panahon pa rin ang asahan sa Luzon kasama ang Metro Manila.

Pero mataas din ang posibilidad ng ulan lalo na sa hapon o gabi.

Mataas ang tiyansa ng thunderstorms sa Visayas at Mindanao.

Sunrise: 5:28 ng umaga

Sunset: 6:27 ng gabi

Facebook Comments