Isang lugar sa Tunasan, Muntinlupa, isinailalim sa granular lockdown dahil sa mataas na COVID-19 cases

Inilagay ng Muntinlupa City government sa localized lockdown ang isang lugar sa Barangay Tunasan sa nasabing lungsod.

Ito ay dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa nasabing barangay.

Epektibo kaninang alas-6:00 ng gabi ang 15 araw ng Extreme Localized Community Quarantine sa Chico St., Laguerta sa Barangay Tunasan.


Tatagal ang granular lockdown sa August 25, dakong 6:00 p.m.

Nagsagawa ng emergency meeting ang mga lokal na opisyal ng Muntinlupa matapos na mabatid na may ilang mga bata sa lugar ang tinamaan na rin ng Coronavirus.

Bibigyan naman ng relief food packs at basic goods ang mga apektadong residente.

Facebook Comments