Tuesday, November 17, 2026

Isang mambabatas, nanawagan sa CHR para imbestigahan ang umano’y marahas na dispersal at pag-aresto ng mga pulis sa mga raliyista sa Cebu City

Nanawagan sa Commission on Human Rights (CHR) at mga human rights group si ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio, para imbestigahan ang umano’y marahas na dispersal at pag-aresto sa mga raliyistang nagkilos-protesta sa Cebu City.

Ayon sa mambabatas, mistulang lumalabas na ang totoong kulay ng kasalukuyang administrasyon at umano’y pagiging diktador ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa mistulang pagbabawal na mag-isip at magpahayag ng pagtutol sa mga polisiya ng gobyerno, katulad ng Martial Law sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na tatalakayin sa Kamara ng Makabayan Bloc ang nasabing insidente at magsusumite rin sila ng resolusyon para maimbestigahan ang naging aksyon ng pwersa ng gobyerno sa kasagsagan ng kilos-protesta kasabay ng ASEAN Summit 2026.

Hinihiling ng mambabatas na palayain ang mga inarestong miyembro ng BAYAN Central Visayas at iba pang alyadong grupo ba nagkasa ng kilos-protesta sa Cebu City laban sa nakaambang pagbisita ni United States President Donald Trump at ang panukalang Pax Silica Agreement sa ASEAN Summit 2026, at marami pang ibang isyu.

Facebook Comments