Isang may-ari ng kumpaniya sa Montenegro, may kakaibang rewards sa kaniyang mga empleyado

Manila, Philippines – Hinahangaan ngayon ang isang lalaking negosyante dahil sa kakaiba nitong pag-trato sa kaniyang mga empleyado.

Si Radomir Novakovic Cakan na may-ari ng pinaka-malaking sporting goods (Cakan Sports) sa nasabing bansa ay mas kilala sa tawag na “brother” ay buong pusong nagbibigay ng rewards at incentives sa mga trabahador nito sa kani-kanilang peroformance.

Nagsimula ang gantong style ni Brother Cakan mula pa noong 2012 kung saan binigyan niya ng mga luxury cars ang iba nitong empleyado habang ang iba naman ay pinagkalooban niya ng all-out expense vacation trip sa Bahamas, Maldives at Subterranean.


Karamihan naman sa mga lalaking empleyado nito ay nilibre niya ng ticket at pagkain sa ginanap na world cup soccer final sa Brazil.
Ayon kay Brother Cakan, mas mahalaga daw kasi na ma-treasure ng kaniyang mga empleyado ang ganitong klaseng rewards kesa sa pera.

Aniya, binansagan din niya ang sarili na “brother” dahil naniniwala siya na walang ibang makakatulong sa isang taon kungdi ang kapatid nito.

Facebook Comments