Singer na si Darren Espanto, nagplaiwanag sa naging isyu sa kanila ng OPM artist na si Jed Madela

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ngayon ang “The Voice Kids” singer na si Darren Espanto hinggil sa naging isyu sa kanila ng batikang singer na si Jed Madela.

Ayon kay Darren, unti-unti daw dumidistansiya sa kaniya si Jed na itinuring na niyang “Kuya” matapos ma-bash nang mag-post ito ng picture na magkasama sila sa isang ceremony.

Gumawa din ng paraan si Darren para sa kaniyang Kuya Jed kung saan sinabi nito na huwag pansinin ang mga negative comments pero tuluyan pa rin daw itong lumalayo sa kaniya.


Nabatid na nagsimula ang mga pamba-bash ng mga netizens kay Jed dahil dumidikit lamang daw it sa young singer para muling makasabay sa kaniyang kasikatan.

Facebook Comments