ISANG MENOR-DE-EDAD, SUGATAN MATAPOS MASANGKOT SA AKSIDENTE

CAUAYAN CITY – Sugatan ang isang menor-de-edad matapos aksidenteng mabangga ng isang tricycle sa pambansang lansangan sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Kinilala ang drayber ng tricycle na si George Bayod Jr., 65-anyos, at residente ng Brgy. Soyung, Echague, Isabela, habang ang biktima naman ay isang 11-anyos na bata, grade 5 student at residente ng Purok 5, Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Echague Police Station, binabagtas umano ng tricycle ang hilagang direksyon ng daan papuntang Alicia, Isabela nang biglang tumawid ang bata dahilan upang aksidenteng mabangga ito.


Nagtamo ng sugat sa katawan ang bitkima kung kaya’t agad itong dinala sa pagamutan.

Samantala, ang drayber at ang tricycle naman na sangkot sa aksidente ay dinala sa himpilan ng PNP Echague para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments