LALAKI, SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE SA ROXAS, ISABELA

Cauayan City – Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang lalaki matapos magsariling maaksidente sa Brgy. San Placido, Roxas, Isabela.

Kinilala ang biktima bilang na si Mark Zechariah Ortiguero, may-asawa at isang crew, na residente ng Brgy. Quiling, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Roxas Police Station, patungo sa kanilang barangay ang biktima habang minamaneho ang kanyang motorsiklo nang mawalan siya ng kontrol sa pakurbang bahagi ng kalsada.

Dahil dito, tumilapon siya sa gilid ng daan at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agaran namang rumesponde ang Rescue 333 ng Roxas Isabela sa pinangyarihan ng insidente at dinala ang biktima sa Manuel A. Roxas District Hospital.

Samantala, inilipat ang biktima sa Cagayan Valley Medical Center para sa masusing gamutan.

 

Facebook Comments