Isang Negosyante, Binaril PATAY sa Maddela, Quirino!

*Maddela, Quirino-* Dead on Arrival sa pagamutan ang isang negosyante makaraang pagbabarilin sa harap ng kanyang stall sa palengke ng bayan ng Maddela, Quirino.

Ang biktima ay kinilalang si Mark Dave Fernandez Altre, 31 anyos at residente ng brgy. Poblacion Sur sa nasabing bayan.

Ayon kay P02 Edelmar Odson, taga siyasat ng PNP Maddela, habang nagpiprito ng panindang manok ang biktima ay may humintong riding in tandem.


Bumaba ang naka angkas, bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktima sa kanyang dibdib na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Ayon pa kay P02 Odson, drug surrenderee ang biktima at isa itong anggulo na ikinukunsidera ng pulisya para sa kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments