Magsasaka sa Ilagan City, Isabela, Timbog sa Buy Bust, Mga Baril at Bala Nakumpiska!

*City of Ilagan, Isabela-* Arestado ang isang magsasaka matapos mahulog sa ikinasang Oplan Paglalansag at Oplan Salikop ng mga otoridad pasado alas dos ng hapon sa brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Willington Lavandero Aguda, 39 anyos, isang magsasaka at residente ng brgy. Tumalunog, Flora, Apayao.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent Rafael Pagalilauan, hepe ng PNP Ilagan City, nadakip ang suspek sa pamamagitan ng kanilang isinagawang buy bust operation kung saan nakumpiska mula sa suspek ang isang unit ng baby armalite colt, tatlong magazine ng M16, limampu’t limang piraso ng bala ng M16, isang unit ng 9mm magazine at labinglimang piraso ng bala ng 9mm.


Nakuha rin mula sa suspek ang buy bust money, itim na bag at isang unit ng cellphone.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG Isabela ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments