Isang negosyante ang naaresto ng Cagayan de Oro City Criminal Investigation and Detection Group o C-I-D-G at Lanao Provincial Public Safety Company sa Bukidnon kaninang umaga.
Ito’y matapos makunan ng mga high powered na mga armas at bala na walang mga papeles nang isilbi ng mga otoridad ang isang search warrant.
Ayon kay CIDG Chief Investigator SPO4 Noel Oclarit na ang suspek ay ang 44 anyos na si Aldren Go Diaz, may water refilling station sa Alae, Manolo Fortich, Bukidnon.
Ipinaliwanag ni Oclarit na nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga kapitbahay ni Diaz na nagpapaputok ito ng baril sa kanilang bahay.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal position of firearms and ammunitions ang nasabing negosyante.
By: Annaliza Amontos-Reyes
Isang negosyante, naaresto matapos makunan ng high powered na mga armas at bala
Facebook Comments