Isang paaralan sa Maguindanao planong lusubin ng ISIS Inspired group

Plano umanong lusubin ng mga tagasunod ni Jamatul Muhajireen Al Wansar leader Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Turaifie ang Mindanao State University(MSU) na matatagpuan sa Poblacion Dalican sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao .Ito ang sinabi ni Lt. Col. Crizaldo Fernandez, Battalion Commander ng 19th IB ng 6th Infantry Division matapos makipagpulong kahapon sa mga opisyal ng MSU.
Kahapon ay kaagad ding nagdeploy ng tropa ang militar kasama ang PNP at MILF-BIAF sa gilid ng compound ng MSU-Maguindanao upang tiyakin na hindi makakapasok ang mga terorista.
Sa impormasyong lumabas ay planong lusubin ni Abu Turaifie ang nasabing paaralan dahilan para maalarma ang mga estudyante , mga guro at staff nito.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments