Isang pamilya , arestado dahil sa pag nenegoso ng shabu

Manila, Philippines – Arestado ng Caloocan PNP ang isang pamilya na ginawang hanap buhay ang pag bebenta ng shabu sa brgy 59.

Nahuli mismo sa kanilang bahay sa 8th avenue, ang 4 sa miyembro ng pamilya na sina Freddie De Guzman senior 63-anyos, dalawang anak nito na sina Zaldy 36 anyos, Freddie Junior 40-anyos, at asawa ni Freddie na si Angelica.

Aminado si Mang Freddie na matagal na siyang ‘tulak’ ng ilegal na droga hanggang sa ipamano na nya ang negosyo sa kanyang mga anak.


Sa halagang bente pesos bukas ang bahay ng pamilya para sa babatak ng shabu.

Nasamsam sa mag-aama ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 50-libong piso.

Ayon kay Pssupt Chito Bersaluna ang hepe ng Caloocan City PNP, tumugon sila sa natanggap na tip ng isang residente hanggang sa ikasa ang operasyon at maaresto ang mag-anak na De Guzman na nasa drug watch list ng Caloocan City police.

*

Facebook Comments