Isang pamilya, nadiskubreng gawa sa plastic foam ang graduation cake sa Walmart

Image via staradvertiser.com

Nadiskubre ng isang pamilya sa Texas na gawa lamang sa plastic foam ang graduation cake na kanilang binili sa Walmart.

Ayon kay Marsy Flores, nawala ang kanilang order na two-tier cake para sa graduation party ng kaniyang anak.

Sinabi naman ng manager na piliin nalang kung ano man ang gusto ni Flores na ilalagay sa frosting.


Nalaman nilang gawa pala ito sa plastic foam nang simulan na hatiin ang graduation cake.

Sinabi nilang dapat ay lagari na lamang ang ginamit imbes na kutsilyo.

Binalik ng pamliya ang cake at binigyan sila ng gift card na $60 at isang totoong cake bilang kabayaran ng ‘anumlaya’.

Ayon naman sa Walmart, sinabing “misunderstanding” lamang ito.

Facebook Comments