Isang pamilya sa China, 12 years nang nag-aalaga ng mga bubuyog sa kanilang bahay

China – Believe it or not, isang pamilya sa bansang China ang labindalawang (12) taon nang nag-aalaga ng mga bubuyog sa loob ng kanilang bahay.

Makikita sa sala, partikular sa mga wooden furniture nina Yongfu Li ang tinawag nilang beecosystem.

Kwento ni Yongfu Li, may kasalanan noon sa kanilang bahay nang magsimulang gumawa ng beehive ang mga bubuyog.


Sa halip na itaboy, hinayaan na lang niya ito sa kanilang bahay sa paniniwalang isa itong good omen o magdadala ng swerte sa kanila.

At totoo nga! Dahil simula noon, walang kahirap-hirap silang kumikita ng halos P23,000 kada taon mula sa honey na napo-produce ng mga alaga nilang bubuyog.

Facebook Comments