Isang Pinoy, kumpirmadong nasawi sa mass shooting sa California

Isang Pilipino ang nasawi sa nangyaring pamamaril sa Monterey Park, California sa kasagsagan ng selebrasyon ng Chinese New Year.

Kinilala ni Deputy Consul General Ambrosio Enciso III ng Philippine Consulate General sa Los Angeles ang biktima na si Valentino Alvero, 68-anyos.

Siya ay kabilang sa labing-isang namatay sa insidente.


Kinilala naman ang suspek na si Huu Can Tran, 72-anyos na kalauna’y namatay rin matapos na magbaril sa sarili.

Samantala, inaalam na rin ng Konsulada kung may mga Pilipino pang nasugatan sa pamamaril.

Nakikipag-ugnayan din ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Filipino community organizations doon upang alamin ang update sa kaso.



Facebook Comments