Naghain ng cease and desist order ang lokal na pamahalaan ng Dasol laban sa isangng poultry farm sa Brgy.Malimpin matapos ang ilang paglabag sa sanitasyon na nagging dahilan ng malawakang fly infestation sa lahat umano ng barangay sa bayan.
Base sa naging inspeksyon, lumalabas na sira-sira at butas Exhaust Fan nets at walang kaukulang glue sa labas ng bodega ng manukan upang makulong at mapigilang makalabas sa pasilidad ang mga peste.
Bigo din umanong magsagawa ng monitoring ang kompanya dahilan ng hindi na makontrol na pagdami ng langaw na patuloy na namemeste sa mga kalapit barangay at kabahayan.
Malinaw umanong paglabag sa Sanitation Code of the Philippines ang resulta ng inspeksyon dahil sa bant ana dulot nito sa kalusugan ng mga residente.
Suspendido ang operasyon ng naturang manukan sa loob ng 45 araw ngunit maaaring mapaaga ang pagbabalik operasyon sakali umanong maisaayos na ang mga depektong nakita sa pasilidad.
Giit ng tanggapan na hindi magdadalawang isip magpasara o magpatigil ng operasyon ng isang establisyimento upang isaalang-alang ang kapakanan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









