Binigyan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Quezon City Police District (QCPD) ang ilang mga bagong armas.
Kinabibilangan ito ng isang robotic vehicle, sniper rifles, sub-machine guns, night vision goggles, kevlar helmet at range finder, telescopes.
Aabot sa labing walong milyong piso ang halaga ng naturang donasyong bagong kagamitan.
Ang remote-operated vehicle na galing Canada ay nagkakahalaga ng mahigit 65,000.
Tanging ang QCPD pa lang ang mayroon nito na magagamit sa bomb disposal.
Makakatulong ang mga bagong kagamitan sa pagsugpo ng terorismo at kriminalidad sa lungsod.
Facebook Comments