Pinalilinaw ni reelectionist Senator Kiko Pangilinan sa Commission on Elections o COMELEC ang ipatutupad na antigen test bilang bahagi ng pag-iingat sa COVID -19 pandemic.
Sinabi kasi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na pagsusumitihin nila ng resulta ng antigen test ang mga kakandidato sa 2022 elections.
Pero tanong ni Pangilinan, bakit ito kailangan at ano ang layunin ng naturang requirement.
Nais ding malinawan ni Pangilinan kung pagbabawalan na bang tumakbo ang kandidato na magpopositibo sa COVID-19.
Facebook Comments