Isang senador, naniniwalang umaayon sa Konstitusyon ang shutdown sa Rappler

Naniniwala si Senator-elect Jinggoy Estrada na dumaan sa proseso at umaayon sa mga probisyon sa konstitusyon ang pagpapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Rappler.

Binanggit ni Estrada na mayroong probisyon sa ating Saligang-Batas ukol sa foreign equity restrictions sa mass media na dapat sundin ng Rappler at ng iba pang media organization.

Para kay Estrada, napakalinaw ng nasabing probisyon at maliit ang tsansa na ito ay hindi maunawaan o mabigyan ng ibang kahulugan.


Ayon kay Estrada, pwede namang dumulog ang Rappler sa korte kung ilalaban nito na mabaligtad ang pasya ng SEC.

Sa ganung paraan din matutuloy ng Rappler ang validity ng ini-isyu nitong mga PDR o Philippine depositary receipts.

Facebook Comments