Isang senador, umaasa na agad babalik sa mabuting kondisyon ang kalusugan ng Pangulo

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Sonny Angara na agad babalik ang mabuting kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Angara kasunod ng video at mga larawang inilabas ni Senator Christopher Bong Go na nagpapakita na nakatungkod ang Pangulo at may iniindang matinding sakit sa gulugod.

Bunga ito ng aksidente niya sa motorsiklo noong nakaraang linggo.


Para kay Angara, tama lang na pinutol ng Pangulo ang byahe nito sa Japan dahil mas dapat nitong iprayoridad ang kanyang kalusugan.

Facebook Comments