Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Committee on Electoral Reforms Chairperson Senator Imee Marcos ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections.
Alinsunod sa nilagdaang batas ay sa December 2022 gaganapin ang susunod na Barangay at SK Elections halip na sa susunod na taon.
Ito na ang ikatlong postponement ng Barangay and SK polls sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Umaasa si Marcos na huling postponement na ito ng Barangay at SK Elections para maging regular na ang pagdaraos nito.
Diin ni Senator Marcos ang barangay ang frontline ng gobyerno kaya at ang mga opisyal nito ay kailangan ng seguridad at suporta para mahusay silang makapagserbisyo sa kanilang nasasakupan.