Isang SK Chairman na nahaharap sa kaso sa Lungsod ng Maynila, arestado

Arestado ang isang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman na matagal ng pinaghahanap dahil sa kasong assault upon a person of authority sa Pablo Ocampo Street, Malate, Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Aber Cupat, 24-anyos at SK Chairman ng Barangay 719.

Nabatid na isang tip ang natanggap ng mga otoridad hinggil sa pinagtataguan ng suspek na higit isang taon nang pinaghahanap dahil sa nasabing kaso.


Kusa naman sumama sa mga pulis ang SK Chairman saka ito dinala sa Tondo Medical Center para isailalim sa physical at medical examination bago ikulong sa Malate Police Station.

Facebook Comments