Isang Sundalo, Sugatan nang maaksidente sa Quezon, Isabela!

*Quezon, Isabela- *Sugatan ang isang sundalo maging ang backrider nito matapos maaksidente kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy Abut, Quezon, Isa bela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay SPO1 Watson Malayao, imbestigador ng PNP Quezon, nakilala ang biktima na si Private First Class Daniel Puyao, 28 anyos, miyembro ng 5th ID, PA na nakabase sa Balbalan Detachment, Tabuk City , Kalinga habang ang backrider at pinsan nito ay si Ronald Puyao na kapwa residente ng Bunot, Paracelis, Mt Province.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Quezon, patungong Santiago City ang biktima lulan ang kanyang minamanehong motorsiklo at nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay hindi umano nito napansin ang di-konkretong bahagi ng daan kaya’t nawalan ito ng kontrol sa manibela at tumilapon sa daan.


Nagtamo ng sugat sa katawan ang sundalo maging ang backrider nito na dinala naman sa pagamutan para sa kanilang kaukulang lunas.

Sa ngayon ay kasalukuyan pang nagpapagaling sa pagamutan ang biktimang sundalo habang nakalabas na ng ospital ang pinsan nito.

Facebook Comments